Saturday, November 14, 2015

Kanta na para sana sa iyo

Chorus:
Dahil sa bawat pagsiat at paglubog ng araw
Iniisip ko kung pansamantala ring
Tumitigil ang inog ng iyong mundo
Para sa alaala at ngiti kong alay sa'yo

Verses:
Di na mapigilan damdaming kinikimkim
Ang magkaibigan ngayo'y nagkakaibigan
Pusoy'y ibibiga't walang hinihiling kapalit
Pagkat ganyan kita minamahal, o sinta

Laging gustong kausap; hindi na mapakali
Sa unang pagmulat ikaw ang inaalala
Sa huling pagsara ipinagdarasal
Na sana'y ikaw ang mapaginipan

Bridge:
Di inaakalang ika'y mahahanap
Sa bilyong taong lumilibot sa mundo
Ang nais lang ay makapiling mo
sa habang buhay

No comments:

Post a Comment