Thursday, August 9, 2012

What's on your mind?

Dahil hindi ko na mapigilan.
Hindi ko na makumbinsi ang sarili ko.
Hindi ko na kaya pang i-exit ang blogspot,
sa tuwing gusto kong magsulat.

Tutal,

binibisita ko naman ang profile mo sa facebook 3 beses, isang linggo
seryoso kong binabasa ang mga tweets mo
medyo  nag-reminisce ako sa mga text messages
lagi ka namang lumalakad sa isipan ko

Hephep!

Wag kang assuming.
Di pa kita mahal.
Di pa kita gusto.
Di pa kita serious-serious crush.

Happy crush lang.

Iyong hindi umaasa
Iyong hindi nagpaparamdam
Pasilip-silip lang
Pa-tweet-tweet lang ng lyrics.

Ganyan lang. At hanggang ganyan lang muna.


Di pa ko handa.

...ayun oh, ni-like mo yung post ko. KILIG.

No comments:

Post a Comment