Tuesday, June 7, 2011

Sulyap

Had my prepcourse. :) Was inspired to make a poem. :D


Matagal ng itinatago-tago
Aking paningi'y di na nagbago
Ang lahat ay nawawala
Kapag ika'y nakikita
Galaw mo'y sinusundan
Habang ika't pinagmamasdan

Noong nakita ka
Di inaakala
Damdamin ay umaapaw
Sa mga bituin
Aking panalangin
Na sana'y mapansin mo rin

Bawat salita ay parang musika
Ngunit ako'y isang saling pusa
Sa libro mong napakakulay
Anong diperensya
Kung ako'y mawawala
Sa iyong buhay?

Hanggang kailan kaya
Matitiis ng pusong
Isang sulyap mo'y sumasaya?


I'll post the sonnet I made for my sister's PI100 requirements next. ;)

No comments:

Post a Comment